Vilma-Santos_JIMI

HINDI nakarating si Batangas Gov. Vilma Santos Golden Screen Awards ng Enpress na siya at si Rustica Carpio ang tinanghal na Best Drama Actress para sa pelikulang Ekstra at Ano Ang Kulay ng Mga Pangarap, respectively.

Gusto mang dumalo ni Ate Vi para personal na tanggapin ang kanyang award ay agad siyang nagpaumanhin sa pamamagitan ng pangulo ng Enpress na na si Jun Nardo.

Ayon kay Ate Vi, kailangan niyang magpataba nang konti dahil talagang pumayat siya dulot ng pagkakasakit at pagkakaospital niya for almost a week.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Pumayat ako dahil sa ulcers ‘coz of stress na dahil na rin sa pagkawala ni Ate Aida (Fandailan, ang kanyang personal secretary). Humina ang katawan ko kaya nagpaospital ako para makapag-executive check-up,” sabi ng premyadong actress-public servant.

Pinipilit din ni Ate Vi na pumasok sa Kapitolyo pero pinayuhan siya ng kanyang doctor na kailangan niyang magpahinga nang husto at mag-relax muna at iwasan munang nakasubsob naman sa trabaho niya.

“Sobrang stress at pagod na… at nervous stress. I have to rest my mind. Medyo bumabawi pa lang ako nang konti. Health is wealth,” banggit pa ni Gov. Vi.

Dahil sa pagkasakit ay hindi niya napagbigyan ang imbitasyon sa kanya ni Luis na kumanta sa ASAP. Pero may nagbalita sa amin na sa November 9 ay desidido na si Ate Vi na harapin ang challenge ni Luis.

Kahit maysakit, walang tigil ang dating ng offers na project kay Ate Vi. May apat na indie films na inialok sa kanya na kinailangan muna niyang tanggihan pati na rin ang iba’t ibang TV guestings. Nakiusap si Ate Vi sa kanila na saka na lang daw niya pagbibigyan ang mga ito.

Ang sigurado nang gagawin ni Ate Vi ay ang pelikula sa Star Cinema, na nakatakdang simulan ang shooting bago matapos ang taon.

“I am negotiating a movie for Star Cinema. ‘Yun na lang muna. May Batangas pa ako na hindi biro ang trabaho,” sabi ng isa sa mga nangunguna sa survey bilang vice president at senator.