Binalaan ng isang eksperto sa batas si Quezon City Mayor Herbert Bautista na walang itong kapangyarihan na magkasal sa magkarelasyong pareho ang kasarian.

Ang babala ay inilabas ni Lyceum of the Philippines University College of Law, Dean Ma. Soledad Mawis matapos ipasa ng Quezon City Council ang antidiscrimination ordinance na nagbibigay ng pantay na karapatan sa mga lesbian, gay, bisexual at transgender (LGBT).

“Sa ilalim ng batas ay hindi tayo pwedeng magkaroon ng same sex marriage dahil sa Family Code, malinaw po iyon na ang marriage is between a man and a woman,” paliwanag ni Mawis.

Paglilinaw niya, hindi maaaring magpasa ang konseho ng anumang ordinansa para makapagkasal ng same sex couples.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Ang pwede lang kasing magbago ng batas ay ‘yung Kongreso. Ang mga mayor ho meron lang authority to solemnize marriage para sabihin kung sino ang dapat niyang ikasal,” aniya.

Nilinaw ni Soledad na kung hindi mababago ang Family Code, kahit sinong mayor na nagkasal ng same sex couple ay walang legal significance o epekto.