Sa unang pagkakataon, iniutos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapataw ng P1 milyon multa laban sa isang operator ng mga colorum na bus alinsunod sa pinatinding parusa sa mga lalabag sa mga batas sa trapiko at prangkisa.

Sa dalawang-pahinang order, tinukoy ng LTFRB na guilty ang Dalin Liner sa ilegal na operasyon ng mga bus na biyaheng probinsiya at paglilipat ng plaka.

Isa sa mga bus ng Dalin Liner ang nahuli noong Hulyo 9, 2014 sa paggamit ng plakang BBV-149, at inamin ng kumpanya na walang permit ang nahuling bus at Nobyembre 2001 pa napaso ang prangkisa nito.

Kaugnay nito, ipinakakansela rin ng LTFRB ang prangkisa ng Dalin Liner at binabawi ang lahat ng yellow plate na inisyu sa siyam na unit ng kumpanya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

May 15 araw ang Dalin Liner para iapela sa Department of Transportation and Communications (DoTC) ang nasabing parusa ng LTFRB. - Kris Bayos