Upang mapigilan na maging biktima ng mga kriminal ang mga depositor at ang industriya ng pagbabangko, ipinapanukala ni Bulacan Rep. Gavine Pancho ang pagbabawal sa paggamit ng cell phones sa loob ng mga bangko.
Ayon kay Pancho, papatawan ng kaukulang parusa ang sinomang gagamit ng cellphone sa loob ng bangko sa ilalim ng kanyang panukalang batas na “An Act banning the use of cellular phones or similar devices inside banks and providing penalty for violation thereof,” na kikilalanin bilang “Cell Phone in Banks Prohibition Act of 2014.”
Ang sino mang tauhan ng bangko na lalabag dito ay papatawan ng multang P2,000 o suspension, o pareho. Parurusahan din ang pangasiwaan ng bangko na mabigo sa pagdidisiplina sa mga nagkakamaling empleyado.