MGA kapanalig, nabuhay uli kamakailan ang usapin sa pagmimina sa bansa. Sa Mining Philippines 2014 Conference and Exhibition, patuloy ang panawagan ng mga mining company sa pamahalaan na maging maluwag sa polisiya nito sa pagmimina. Suportado naman ito ni Vice President Binay. Ayon kay Binay, kailangang magkaroon ng ugnayan ang lokal at pambansang pamahalaan tungkol sa prosesong pagmimina sa bansa. Ayon pa kay Vice President Binay, ang Pilipinas ang ikaapat na most mineralized country sa buong mundo ngunit ipinahayag nito ang pagkadismaya dahil hindi pa natin tuluyang napakikinabangan ang potensiyal ng mining industry naisulong ang pag-unlad sa bansa.

Ngunit ayon sa Mines and Geosciences Bureau, 38 sa 81 probinsiya sa Pilipinas ay may isang local government unit na may antimining resolution. Ito ang Leyte, Romblon, Marinduque, Bukidnon at Davao City na may mga sariling ordinansa o resolusyon na nagbabawal sa pagsira sa kanilang mga likas na yaman na dulot ng pagmimina.

Ang hindi pagsang-ayon ng ilang lokal na pamahalaan sa pagmimina ng malalaking kumpanya ay dahil na rin sa kanilang mga karanasan hinggil sa aktuwal na pamamaraan ng pagmimina ng mining industries. Isa na rito ang katotohanan na walang malinaw na polisiya ang mga kumpanya ng mga minahan hinggil sa rehabilitasyon ng mga ilog at lupa at iba pang lugar na nasira ng pagmimina.

Para sa mga grupong hindi pabor sa pagmimina, marami na nga umano ang naging biktima ng mga mining company sa bansa ngunit nakalulungkot na hanggang ngayon ay patuloy na nagbubulag-bulagan ang ating pamahalaan sa masamang epekto ng mga minahan hindi lamang sa kalusugan ng mamamayan kung higit lalo na sa kanilang kultura, komunidad at lalo na sa kanilang dignidad bilang mga anak ng Diyos.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Bakit nga ba parati na lamang nating isinasakripisyo ang buhay at dignidad ng mga mamamayan sa hangarin nating makamit ang pagunlad? Inilalagay natin sa panganib ang likas na yaman ng ating bansa at ating mga buhay, pamilya, mga tirahan sa ngalan din ng altar ng pag-unlad. Tandaan ninyo, walang mahirap, walang mayaman sa kalamidad.