Palaging napapasama ang champion athletes sa indelible imagessi Michael Jordan na nakayakap sa kanyang unang championship trophy, nakatayo si Muhammad Ali sa harap ni Sonny Liston, nakaturo ang hintuturo ni Usain Bolt sa itaas at iba pang snapshots ng sports greats sa kasagsagan ng kainitan ng kanilang karera.

Habang ang mga alaalang ito ay habambuhay nang nakatatak sa popular na kultura, ipiniprisinta dito ang culmination ng perseverance at sacrifice ng mga atletang ito. Sa katunayan, ang naghihiwalay sa tunay na mga kampeon mula sa mga nalalabi pang field ay ang kanilang abilidad upang magkaroon ng kumbinasyon ng winning mindset na may determinasyon, hard work, at ang never-say-die attitude.

Ang “Champions Defined” ay itataguyod ng host event kasama ng First Pacific Leadership Academy (FPLA) sa Sumulong, Antipolo sa Oktubre 15 na ang layunin ay mapatatag ang kaisipan at puso ng Filipino champion athletes.

Ang one-of-a-kind symposium ay kapapalooban ni basketball legend Robert “Sonny” Jaworski, equestrienne Mikee Cojuangco-Jaworski, swimmer at UAAP Athlete of the Year Johan Aguilar, volleyball star Michele Gumabao, at wrestling at Mixed Martial Arts (MMA) standout Marcus Valda.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Upang mabigyan inspirasyon ang mga dadalo, ang exceptional athletes na ito ay magbibigay panghabambuhay na pangaral mula sa kanilang kinakalingang karera kung saan ang mga atleta ay nagmula sa kanilang grandest victories hanggang sa kanilang mga pagkatalo.

“Champions Defined” ay bahagi ng mga serye ng Executive Talks na pamumunuan ng FPLA, ang leading corporate university sa bansa. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bumisita sa www.fpacademy.net. Puwede rin makakuha ng impormasyon sa pamamagitan ng e-mail [email protected] o sa telepono bilang 632-811 loc. 885.