Nagbabala ang Department of Agriculture (DA) at Trade and Industry (DTI) na tatanggalan ng business permit ang sinumang may-ari ng tindahan na mahuhuling lalabag sa suggested retail price (SRP) sa manok at baboy.

Ito ang ibinabala ni Agriculture Undersecretary for Livestock Jose Reano matapos ireklamo ng maraming mamimili ang mataas pa ring presyo ng manok at baboy sa mga pamilihan.

Sisimulan nila kahapon ang pamimigay ng warning letter at pagmumultahin ng P5,000 ang mga mahuhuling lalabag sa SRP.

Sa inaprubahang SRP, ang presyo ng manok ay dapat nasa P135 kada kilo habang ang baboy nasa P175 hanggang P180 kada kilo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Tiniyak naman ng opisyal na patuloy ang kanilang monitoring sa mga pamilihan upang mabatid kung may paglabag o sumusunod ang mga nagtitinda ng karne at manok.