HONG KONG (Reuters) – Sinabi ng mga estudyante sa Hong Kong noong Biyernes na determinado silang ipagpatuloy ang kanilang kampanya para sa full democracy, hindi natitinag sa pagbasura ng city government sa mga pag-uusap na naglalayong mapahupa ang standoff na yumanig sa capitalist hub ng komunistang China.

Nagdesisyon ang gobyerno na huwag ituloy ang mga pag-uusap na nakatakda noong Biyernes kasabay ng paghiling ng maka-demokrasyang mambabatas na imbestigahan ng anti-graft officers ang $6.4 milyong bayad sa negosyo sa pro-Beijing leader ng lungsod habang ito ay nasa puwesto.
Metro

500 pamilya apektado ng sunog sa Sampaloc; evacuation center, nahagip din ng apoy