Nilisan ni Michael Beasley ang training camp ng Memphis Grizzlies at pumirma ng isang taong kontrata sa Shanghai Sharks ng China Basketball Association, lahad ng ahenteng si Jared Karnes sa Yahoo Sports kahapon.

Napasama si Beasley sa kampo ng Grizzlies na may isang non-guaranteed deal at ang kanyang tsansa na mapasama sa opening night roster ay wala pang kasiguraduhan. Ang oportunidad na tanggapin ang isang lucrative one-year deal sa Shanghai ay mahirap tanggihan. Hindi nakasama si Beasley sa two-game preseason road trip ng Memphis at ayon sa isang team official, “That was going to make it much harder for him to make the team.”

Oras na matapos ang CBA season sa Marso, libre na si Beasley na pumirma sakahit anong koponan sa NBA.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang Sharks ay pagmamay-ari ni Yao Ming, ang dating bituin ng Houston Rockets.

Si Beasley, 25, na mula sa pagiging No. 2 overall pick noong 2008 draft ay naging journeyman na sumusubok makakuha ng siguradong minimum-salary sa NBA contract. Siya ay naglaro sa 55 laban para sa Miami Heat noong nagdaang season, nag-average ng 15 minuto at halos walong puntos. Naging maganda ang kanyang pagpapakita para sa Heat sa ilang pagkakataon, ngunit nawala sa playing rotation ng koponan noong playoffs.

Nakaapekto ang kanyang off-thecourt issues sa pag-aalinlangan ng ilang koponan sa NBA na papirmahin si Beasley, ngunit nagpakita ito ng maturity sa kanyang pagbabalik sa Miami at nanatiling isang scoring threat sa loob ng court. Ang kanyang pinakamagandang season ay naganap sa Minnesota noong 2010-11, sa kanyang pagtatala ng average na 19 puntos kada laro. Siya ay naglaro rin para sa Phoenix Suns. - Yahoo Sports