BEIRUT (Reuters)— Isang bata mula sa United Arab Emirates na nakikipaglaban para sa Islamic State sa Syria ang namatay kasama ang kanyang ama sa air strike ng US-led coalition, sinabi ng mga tagasuporta ng jihadist group sa social media noong Huwebes.

Si Mohammad al Absi Abu Obeida, binansagang The Cub of Baghdadi –isang pagtukoy sa lider ng Islamic State na si Abu Bakr al-Baghdadi – ay namatay noong Miyerkules, ayon sa mga ulat.

Hindi pa malinaw kung kailan sumali ang mag-ama sa grupo sa Syria. Hindi rin malinaw ang eksaktong edad ng bata.

Sa mga video na ipinaskil sa Internet, ipinakikita siyang nakasuot ng military fatigue at nakangiti, at ipinahihiwatig sa kanyang mukha na wala pang balbas na siya ay nasa edad siyam hanggang 13-anyos.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20