Naging super typhoon na ang bagyong ‘Ompong’ matapos itong pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ang nasabing bagyo, ayon sa PAGASA, ay nagtataglay ng lakas ng hangin na aabot sa 250 kilometro kada oras at may bugsong 306 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pa-Kanluran- Hilagang Kanluran sa bilis na 17 kilometro kada oras.

Huli itong namataan sa layong 1,090 kilometro Silangan ng Tuguegarao City sa Cagayan.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Inilagay na rin ito sa Category 4 tropical cyclone at may central pressure na bumagsak na sa 905 millibars na isang senyales ng posibleng paglakas pa ng bagyo.

Paliwanag naman ni weather specialist Glaiza Escullar ng PAGASA, hindi ito magla-landfall sa alinmang bahagi ng bansa si ‘Ompong.’

Gayunman, palalakasin nito ang mga alon kung kaya’t nagpalabas ng gale warning sa seaboards ng Northern Luzon at eastern seaboard ng Central Luzon.

Sa pagtaya ng PAGASA, lalabas ito sa PAR sa Sabado at tatahakin ang southern Japan.