I-Do-top-5-couples-Chris-Karen-Christian-Chelsea-chad-Sheela-Emil-Honey-Jimmy-Kring

LIMANG pareha na lang ang natitira sa realiseryeng I Do ng ABS-CBN pagkatapos ng challenges na sumubok sa kanilang kahandaan para magpakasal, kabilang na ang mga usaping pinansiyal, emosyonal, pamilya, at tiwala.

Napapanood ang I Do, pagkatapos ng MMK tuwing Sabado at pagkatapos naman ng Rated K tuwing Linggo sa ABS-CBN.

Paano nabago ng programa ang kanilang buhay? Ano ang maipapayo nila sa mga magkasintahang gusto na ring lumagay sa tahimik?

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sa tingin ng viewers ay underdog ang tatlong buwang magkarelasyon na sina Christian at Chelsea, pero handa silang patunayan na wala sa tagal ang tibay ng isang relasyon.

“To begin with, I and Chelsea didn’t believe that the other couples took us seriously. Kahit ang council sinabi na nasa honeymoon stage pa kami at dapat pa naming kilalanin ang isa’t isa. Naapektuhan talaga kami ni Chelsea, pero sa huli, we want to prove them wrong,” sabi ni Christian.

Ayon kay Chelsea, hindi nila gaanong naramdaman na dehado sila sa laban.

“It’s an advantage kasi wala kami masyadong napag-aawayan. Pero at the same time, it’s a disadvantage because we’re still getting to know each other. Sinasabi ng mga tao na kami ang may best chemistry kumpara sa lahat ng couples,” aniya.

Ibang challenge naman ang hinaharap ng tatlong taon nang magkasintahan na sina Jimmy, isang Koreano at Kring, isang Pinay. Mahilig sa KPop at Korean movies si Kring pero hindi sapat ito kapag nagkaroon ng isang boyfriend na Koreano.

“Ang strength at weakness namin ay intercultural ang relationship namin. Weakness siya dahil hindi maikakaila ang mga pagkakaiba sa kultura. At the same time it’s our strength kasi napapakita namin na mas nangingibabaw ang pag-ibig kesa sa wika at kultura,” sabi ni Kring.

“Nabasa ko na kapag mahal mo ang isang tao, itrato mo siya na parang foreigner. For a foreigner you have to explain so much more and talk to her directly, tell her what you feel, what you like and don’t like. Diretso kaming mag-usap,” ani Jimmy, na nakausap na kamakailan sa pamamagitan ng programa ang kanyang ina pagkaraan ng halos sampung taon.

Samantala, limang taon nang magkarelasyon ang business partners na sina Emil at Honey, pero sa kabila nito ay mainit ang kanilang pag-aaway sa I Do village dahil lang sa isang garapon ng strawberry jam. Ayon sa couple, natutuhan nila dahil dito ang kahalagahan ng komunikasyon sa relasyon.

“Iyon talaga ang pinakamahalagang bagay na natutunan ko sa I Do. Ilang taon na kami ni Emil, pero parang ngayon mas marami pa akong natutunan about him at kung paano namin kakausapin ang isa’t isa in a better way para maayos ang mga problema namin,” sabi ni Honey.

“Hindi ko in-expect na matigas pala ako, may wall, hindi pala ako open,” dagdag naman ni Emil. “Ganun pala ako? Hindi ko alam, hanggang sa ‘tinuro sa akin kung ano dapat ang gawin. Natutunan kong mag-focus sa common ground namin, hindi sa mga pagkakaiba.”

Naniniwala naman ang dating magkapitbahay at pitong taong magkasintahan na sina Chad at Sheela na may dahilan ang kanilang partisipasyon sa I Do. Malaki ang naging papel nito sa kanilang mga pangarap.

“Dati gusto ko magbarko, hanggang doon lang iniisip ko. After pumasok ko ng village na-realize kong marami palang opportunities, na-realize kong passion ko ang magluto. May moment pa nga ako na naiyak ako kasi nalaman ko na ang gusto ko,” pahayag ni Chad.

Emosyonal na linggo ang pinagdaanan ni Chad at Sheela lalo pa’t naipamukha sa kanilang hindi pa sila handang magpakasal dahil wala pa silang ipon. Ngunit sa kabila nito, handa nilang patunayan na kaya nilang manalo sa show.

“Dapat kaming manalo dahil naniniwala akong marami kaming nai-inspire. I believe nire-represent namin ang mga ordinaryong couple na nag-uumpisa pa lang. Gusto rin naming iparating sa mga tao na si God dapat ang nasa gitna ng isang relationship,” sabi ni Sheela.

Halos dalawang dekada naman ang agwat sa edad nina Chris at Karen. Ayon kay Chris, dahil sa I Do ay nakita niyang mature at responsable pala ang kanyang kasintahan. May payo si Chris sa lahat ng mga gustong magpakasal:

“Dapat tao ka muna na kayang tumayo nang mag-isa at mahalin ang sarili mo. Kapag may sapat kang pagmamahal para sa sarili mo, iyan lang ang time na p’wede na kayong magkasama. Kailangan marunong kayong alagaan ang isa’t isa. Kapag pinapababa niyo ang isa’t isa o you become worse people, don’t do it. Kapag mas nagiging mabuting tao kayo at nag-iimprove, that’s the time you should get married.”

Apat na couples na ang napauwi ng council na binubuo ng host na si Judy Ann Santos-Agoncillo, life coach na si Pia Acevedo, at psychologist at marriage counselor na si Dr. Julian Montano.

Inaabangan ng avid viewers ng I Do kung sino ang susunod na mapapaalis sa village at kung anu-anong pagsubok pa ang haharapin ng natitirang couples.

Ang couple na tatanghaling ehemplo ng matibay na relasyon na pipiliin ng taong-bayan ay magwawagi ng grand wedding at iba pang premyo gaya ng P1 milion cash, house and lot, at negosyo package.

Updated sa couples ang followers ng show dahil natututukan na ang mobisodes ng I Do na ekslusibong napapanood sa iWanTV app sa pamamagitan ng ABS-CBNmobile. Inilalabas ito tuwing 12NN mula Lunes hanggang Biyernes.