MURSITPINAR Turkey/BEIRUT (Reuters)— Sinabi ng pangulo ng Turkey noong Martes na ang Syrian Kurdish na bayan ng Kobani ay “about to fall” sa patuloy na pag-aabante ng mga mandirigma ng Islamic State sa tatlong linggo nang atake na ikinamatay na ng 400 katao at nagbunsod ng paglikas ng libu-libong residente.

Ang prospect na maaaring makubkob ng Islamic State ang bayan ay nagdagdag ng pressure sa Turkey na sumali sa international coalition para labanan ang mga jihadist.

Nais ng Islamic State na makuha ang Kobani upang mapalakas ang control nito sa border area at mapagugnay ang mga teritoryong naagaw sa Iraq at Syria nitong mga nakalipas na buwan. Bigo ang US-led air strikes na mapigilan ang pagpasok nito sa Kobani.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20