Ipinagharap ng kasong katiwalian sa Sandiganbayan ang isang dating alkalde ng Polillo, Quezon at dalawang iba pa kaugnay ng ilegal na pagbili ng lupain gamit ang pondo ng bayan halos siyam na taon na ang nakararaan.

Sinabi ng Office of the Ombudsman na kabilang sa kinasuhan ng paglabag sa Section 3 ng Republic Act 3019 o Anti- Graft and Corrupt Practices Act sina dating Mayor Isarme Boque, Municipal Treasurer Carmelita Marasigan at Municipal Assessor Samson Ayapana.

Natuklasan sa imbestigasyon ng fact-finding body ng Ombudsman, pinirmahan ni Bosque ang isang deed of sale sa kabila ng kawalan ng pahintulot ng konseho kaugnay ng pagbili sa 3.3 ektaryang lupain sa Barangay Libjo noong 2005.

“The Ombudsman noted that he purchased the land — which has an assessed value of P24,870 but was bought for P411,000 — without conducting a feasibility study on the suitability of the project site, and no ocular inspection was conducted prior to acquisition,” pahayag ng anti-graft agency.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Binanggit pa nagpalabas ng isang appropriation ordinance ang konseho upang makapagpalabas ng karagdagang pondong na aabot sa P500,000 sa pagbili ng nasabing lupain na dapat ay pagtatayuan ng lowcost housing, sementeryo at dump site ng nasabing bahay.

Pero, nadiskubre na aabot lamang sa isang ektarya nito ang ginamit sa pabahay habang ang natitira pang mahigit dalawang ektarya ay inilaan sa fish pond at agrikultura.