Halos lahat ng ipinadalang mga pambansang atleta sa 17th Asian Games ay nakapasa sa ekspektasyon maliban na lamang sa Weightlifting na nakakahiya ang ipinakitang kampanya.

Ito ang tinukoy mismo ni Team Philippines Chef De Mission at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richie Garcia sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum at inihayag nito ang malaking pagbabago na magaganap sa direksiyon ng sports patungo sa paglahok sa 2015 Southeast Asian Games sa Singapore.

“Isa lang na national sports association (NSAs) ang pangit ang naging performance which I can really pinpoint na walang iba kundi ang weightlifting. I don’t blame the athlete but rather the coach and the association because the athlete was overweight,” sabi ni Garcia.

“I was told the athlete (Nestor Colonia) had to shed excess weight before his lift kaya noong bubuhat na ay hindi na makaangat,” pahayag ni Garcia. “That athlete was reportedly lifting for bronze pero hindi nakabuhat at imbes na pang-apat dati ay napunta sa pinakakulelat,” sabi pa ni Garcia.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Unang gagawin naman ni Garcia ay ang mapaaprubahan ang kahilingan ng ahensiya sa Palasyo ng Malakanyang na maibigay ang insentibo para sa lahat ng mga pambansang atleta na nagwagi ng medalya na binubuo ng isang ginto, tatlong pilak at 11 tanso.

Ang tanging ginto ay iniuwi ni Daniel Patrick Caluag sa BMX Moto event ng Cycling habang ang tatlong pilak ay mula kay Charly Suarez sa Men's Light (60kg) ng Boxing, Daniel Parantac sa Wushu Men's Taijiquan & Taijijian All-round at si Jean Claude Saclag sa Men's Sanda -60kg. na kapwa mula sa Wushu.

Nag-uwi naman ng tanso ang Archery sa Compound Men's Individual mula kay Paul Marlon Dela Cruz, ang Boxing sa Men's Light Fly (46-49kg) Mark Anthony Barriga, Men's Bantam (56kg) kay Mario Fernandez at sa Men's Middle (75kg) kay Wilfredo Lopez.

Nanalo din ng tanso ang Karate sa Women's -55kg kay Mae Soriano, ang Taekwondo sa Men’s -68 kg kay Benjamin Keith Sembrano, sa Men -74 kg. ni Samuel Thomas Harper Morrison, sa Women -46 kg ni Mary Anjelay Pelaez, sa Women -49 kg. ni Levita Ronna Ilao, sa Women -73 kg. ni Kirstie Elaine Aloras at sa Wushu Men's Sanda -56kg. na iniuwi ni Francisco Solis.

Gayunman, sinabi ni Garcia na nakatakda itong mag-ulat sa Philippine Olympic Committee (POC) sa susunod na mga araw na bitbit ang utos mismo mula kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III na pagtuunan na lamang ng pansin ang mga sports kung saan malaki ang tsansa ng bansa na manalo ng gintong medalya.

“That has been the policy of our administration and it is sad to say now that those that will not be in the priority list will have to find their own sponsors,” sabi ni Garcia. “I could not blame anybody for the country’s performance but the national sports associations themselves. We give them all the funding they asked,” sabi ni Garcia.

Matatandaan na 10 sports na inilagay sa priority program at pinaglaanan ng malaking pondo na kinabibilangan ng boxing, taekwondo, athletics, swimming, wushu, archery, wrestling, bowling, weightlifting at billiards.

Ang swimming at weightlifting ay inalis sa programa matapos na hindi mapagpakita ng magagandang kampanya sa iba’t-ibang torneo kabilang na ang isinasagawang Philippine National Games (PNG).