AFP – Umangat si Kei Nishikori sa career-best na ikaanim na puwesto sa ATP world rankings kasunod ng kanyang tournament win sa Tokyo kamakalawa.
Ang nasabing panalo ay nangyari kasunod ng kanya ring pagwawagi sa Kuala Lumpur noong isang linggo at isang buwan matapos makaabot sa final ng US Open.
Matagumpay na naidepensa ni Novak Djokovic ang kanyang titulo sa Beijing noong Linggo, at napanatili ang kumportableng pagkakahawak sa ibabaw ng rankings at ang pinakamalapit niyang challenger, si Rafael Nadal, ay naghahabol sa 4,000 puntos.
Samantala, si Roger Federer ay 295 puntos lamang ang pagkakaiwan sa likuran ni Nadal at maaari niya itong malampasan kung maganda ang maipapapakita niya sa Shanghai Masters ngayong linggo.
ATP Top 20
1. Novak Djokovic (SRB) 12,150
2. Rafael Nadal (ESP) 8,465
3. Roger Federer (SUI) 8,170
4. Stan Wawrinka (SUI) 5,555
5. David Ferrer (ESP) 4,495
6. Kei Nishikori (JPN) 4,435 (+1)
7. Tomas Berdych (CZE) 4,235 (-1)
8. Milos Raonic (CAN) 3,965
9. Marin Cilic (CRO) 3,935
10. Grigor Dimitrov (BUL) 3,710
11. Andy Murray (GBR) 3,545
12. Jo-Wilfried Tsonga (FRA) 3,065
13. Ernests Gulbis (LAT) 2,455
14. John Isner (USA) 1,925 (+1)
15. Gaël Monfils (FRA) 1,915 (+1)
16. Kevin Anderson (RSA) 1,875 (+3)
17. Fabio Fognini (ITA) 1,870 (+1)
18. Roberto Bautista (ESP) 1,865 (-1)
19. Juan Martin Del Potro (ARG) 1,865 (-5)
20. Tommy Robredo (ESP) 1,750 (+1)