Ni GENALYN D. KABILING

Makababawi pa kaya ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal sa reputasyon nito bilang “world’s worst airport”?

Matapos muling manguna ang NAIA Terminal 1 sa listahan ng 10 worst airports sa mundo sa survey ng Wall Street Cheat Sheet website, umaasa ang Malacañang na maiaahon pa ito sa masamang imahe dahil sa improvement work sa mga lumang pasilidad nito na isinusulong ng gobyerno.

“NAIA 1 improvement is currently ongoing and once completed, will hopefully dispel most, if not all, of the concerns,” saad sa text message ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Tiniyak ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr. na ginagawa ng gobyerno ang lahat upang mapabuti ang serbisyo at maibsan ang pagsisiksikan ng mga pasahero sa kontrobersiyal na paliparan.

“Efforts are already underway to improve services and facilities,” dagdag ni Coloma. “Transfer of major airlines to Terminal 3 was also aimed at easing congestion and discomfort among Terminal 1 users while major repairs are underway.”

Ayon sa Wall St. Cheat Sheet website, ang mga napabilang sa 10 worst airport sa mundo ay kilala sa pagkakaroon ng mga walang modong tauhan, mahahabang pila, sira-sirang pasilidad at nakalulugmok na kapaligiran.

“This Manila-based airport struggles with the 32 million passengers who use its facility each year. That shouldn’t come as a shock, though, considering it only has the capacity for 6 million passengers, according to CNBC,” saad sa online article na sinulat ni Kristen Klahn.

Noong Setyembre 30, binansagan din ng The Guide to Sleeping Airports ang NAIA Terminal bilang world’s worst airport dahil sa mga bulok na pasilidad at masamang serbisyo ng airport staff.