CAGAYAN DE ORO CITY – Binaril at napatay ng mga armado ang dalawang Swiss sa isang beach resort sa Opol, Misamis Oriental noong Linggo ng hapon.

Kasama nina Baltazar Johann Ernie, 78; at Robert Erich Loever, 67, ang mga kaibigan nilang Pinay na kinilalang sina Rowelyn at Teresita nang lapitan at pagbabarilin sila sa ulo ng tatlong armadong lalaki.

Ang dalawang dayuhan ay kapwa nakatira sa Cagayan de Oro City. Sinasabing si Baltazar ay dating nobyo ni Teresita, na kasintahan naman ngayon si Robert. Limang buwang buntis si Teresita.

Walang tinangay na anumang personal na gamit mula sa mga biktima kaya naman palaisipan sa awtoridad kung ano ang motibo sa pagpatay sa dalawang dayuhan. - Camcer Ordoñez Imam
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20