LOUISVILLE, Ky. (AP) – Umiskor si Jimmer Fredette ng 17 puntos at nagdagdag naman si Luke Babbitt ng 15 upang ibigay sa New Orleans Pelicans ang 98-86 na panalo kontra Miami Heat kahapon sa preseason opener ng parehong koponan.

Si Chris Bosh ay 3-for-13 para sa Miami habang si Dwyane Wade ay 2-of-7 sa shooting.

Ginamit ng Pelicans ang kanilang 20-5 run upang tapusin ang second quarter at baliktarin ang anim na puntos na kalamangan ng Heat sa 44-35 halftime advantage para sa kanila. Limang 3-poiter ang pinakawalan ng New Orleans sa nasabing run.

Nagtaps ang New Orleans na 14-of-32 mula sa arko sa laro na ginanap sa KFC Yum! Center. Sina Fredette at Babbitt ay nagtambal para sa 8-of-14 shooting.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Habang maitututring na home game ito para sa nagdidepensang Eastern Conference champions, karamihan sa sellout crowd ng 20,074 ay nag-cheer para sa apat na Pelicans na mayroong local ties. Si Eric Godon ay naglaro ng college ball sa Indiana University, sina Darius Miller at Anthony Davis ay naglaro para sa University of Kentucky, at si Russ Smith ay naglaro para sa University of Louisville.

Pinangunahan ni James Ennis ang Miami sa kanyang 17 puntos. Si Davis, na naglaro lamang sa first half, ay nagtapos na mayroong limang puntos, apat na rebounds at tatlong blocks para sa Pelicans. Si Smith, na sa second half lamang naglaro, ay gumawa naman ng 12 puntos.