ISULAN, Sultan Kudarat – Sinisisi ng isang opisyal ng militar sa Maguindanao ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa sunud-sunod na pamamaril sa ilang tauhan ng Philippine Army sa bayan ng Datu Piang.

Nabatid na niratrat kamakailan ng dalawang hindi nakilalang armado sina PFC Rex Limpahan at PFC Edward Baes, kapwa ng 62nd Reconnaissance Company ng Army, habang palabas sa simbahan, at nitong Oktubre 2 ay pinagbabaril at ninakawan si Corporal Macapeges Mamangcua, ng 33rd Infantry Battalion, sa Datu Saudi Ampatuan.

Kaugnay nito, nakumpirma ng Army ang itinimbre ng ilang mamamayan sa Maguindanao na nagpakalat ang BIFF ng umano’y liquidation units laban sa mga sundalo. - Leo P. Diaz

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon