Muling iginiit ng trainer ni four-division world champion Juan Manuel Marquez na si Nacho Beristain na lumaban man ang Mexican sa unang yugto ng 2015 ay hindi kay WBO welterweight champion Manny Pacquiao ng Pilipinas.

May kartadang 2-1-1 win-loss-draw si Pacquiao laban kay Marquez ngunit pinakamasaklap ang pagkatalo ng Pambansang Kamao sa Las Vegas, Nevada noong Disyembre 8, 2012 nang patulugin siya ng Mexican sa pamamagitan ng “lucky punch” sa 6th round ng kanilang ikaapat na laban.

Sa panayam ni boxing writer Miguel Rivera ng BoxingScene.com, iginiit ni Beristain na magsisimula nang mag-ensayo si Marquez sa Romanza Gym sa Mexico City para sa laban sa 2015 pero malabo kay Pacquiao.

“He will not fight Pacquiao. I don’t want to see him in that fight,” ani Beristain na mas gustong iharap ang alagang boksingero kay IBF welterweight champion Kell Brook ng Great Britain.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“[Right now] Juan Manuel is resting, enjoying his sports cars but I think in a couple of weeks he’ll be back [in the gym],” dagdag ng Hall of Fame trainer. “Next year, we are going to try for the English fighter who is welterweight champion, and then we’ll win the title.”

Sa panayam naman ni boxing writer Lem Satterfield ng RingTV.com, iginiit ng promoter ni Marquez na si Fernando Beltran na nasa pasiya ng Mexican boxer kung lalabanan sa ikalimang pagkakataon si Pacquiao.

“I don’t know, that would be up to Juan Manuel. Obviously, that’s his decision, but he would like to come back sometime early next year. There are a lot of fighters out there for him,” giit ni Beltran. “But he would like to fight the IBF champion, Kell Brook. Or another good fight for him would be the rematch with Timothy Bradley. We think that would be a good fight.”