KUNG binabalak mo nang magretiro sa susunod na limang taon, dapat mo nang paghandaan ito ngayon pa lang; sapagkat walang makapagsasabi kung ano ang mangyayari bago pa man sumapit ang ikalimang taon. Dalawang dahilan lamang kung bakit na magreretiro nang wala sa panahon: ang magkasakit ka o masibak ka sa trabaho. Ang pagkakaroon ng problema sa kalusugan at ang pagkakasibak sa trabaho ay magdudulot ng malaking pinsala sa iyong mga plano sa pagreretiro. Marami sa mga biktima ng dalawang dahilang ito ang hindi pa handa lalo na sa pinansiyal na aspeto. Hindi na posibleng ang paghahanda sa loob ng lima o sampung taon ng pag-iimpok para sa pagreretiro.

Huwag ipagwalang-bahala ang pagreretiro. Minsan, hindi pinapansin ng mga tao ang mga hindi inaasahang realidad tulad ng pagkakasakit at pagkakasibak. Dahil dito, hindi napaplano nang maayos ang pagreretiro - inaasa na lamang nila ito sa isang akala nila ay tiyak na araw na tatanggapin na nila ang kahat ng kanilang benepisyo sa mula sa kanilang employer. Kung hindi nila ito pagtutuunan ng atensiyon, mauuwi sila sa kawalan kapag nawalan sila nang trabaho nang wala sa panahon. Narito ang ilang tips mula sa mga eksperto sa pananalapi kung sakaling magreretiro ka nang hindi mo inaasahan:

  • Suriin ang iyong pananalapi. - Tingnan mo ang iyong cash flow (ang pinagmumulan ng iyong mga kinikita at kung saan-saan ito napupunta) pati ang iyong insurance plans at iying mga ari-arian upang magkaroon ka ng ideya kung ano ang estado ng iyong pananalapi at ang maaaring maging problema kung sakaling magreretiro ka nang hindi mo inaasahan.

    National

    ‘Pinas, hindi babalik sa ICC – Malacañang

  • Magplano para sa hindi inaasahan. - Kung pina-practice mo na ang mga maaari mong aktibidad kung sakaling magretiro ka nang maaga (halimbawa: pagtitipid sa kuryente, pagbabawas ng magastos na bisyo), mas tama ang magiging desisyon mo pagsapit ng emosyonal na sandaling iyon. Kapag dumating na ang balitang pinareretiro ka na nang maaga (dahil may sakit ka na o sinisibak ka na), waring bumabaligtad na ang mundo mo. Kaya kung ngayon pa lang pinaghahandaan mo na ang iyong pagreretiro, mas magiging maluwag ang iyong pagtanggap dito at makapagdedesisyon ka nang maayos.

Durugtungan bukas.