Mga laro ngayon (Fil-Oil Flying V Arena):

12 p.m. -- Mapua vs. St. Benilde (jrs/srs)

4 p.m. -- JRU vs. San Sebastian (srs/jrs)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Makapantay sa University of Perpetual Help sa ikatlong puwesto para palakasin ang tsansa nilang umusad sa Final Four round ang tatangkain ng season host Jose Rizal University sa tampok na seniors match ngayong hapon sa penultimate day ng elimination ng NCAA Season 90 basketball tournament.

Ganap na ika-4 ng hapon, nakatakdang sumabak ang Heavy Bombers kontra San Sebastian College sa Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan City.

Naiiwan ng isang panalo ng Altas sa hawak na barahang 11-6, panalo-talo, at solo nilang inuokupa ang third spot ng team standings, tatangkain ng Heavy Bombers na maipaghiganti ang kanilang nalasap na 81-88 na pagkabigo sa kamay ng Stags noong magharap sila ng first round.

Sa kabilang dako, bagamat napatalsik na para sa labanan sa semi-final round, possibleng maging spoiler naman ang Stags na tiyak na naghahangad na maisara ang kanilang kampanya ngayong taon sa pamamagitan ng tagumpay.

Manggagaling ang Heavy Bombers sa isang magaang panalo kung saan hindi na nila kinailangang lumaro matapos i-forfeit ng Mapua ang laban noong nakaraang Biyernes.

Sakaling makamit ng Heavy Bombers ang kanilang ika-12 panalo, gaya ng Altas ay ganap na itong makasisiguro ng Final Four spot na ‘di gaya ng Altas na kailangan pang hintayin ang resulta ng huling dalawang laban ng St. Benilde na nakatakdang sumabak sa unang seniors match ngayong ika-2:00 ng hapon kontra Mapua Cardinals at sa dararting na Miyerkules kontra Letran.

Kung magagawang maipanalo kapwa ng Blazers ng huling dalawang laban, magkakaroon ng 3-way tie para sa third place sa pagitan nila ng Altas at ng Heavy Bombers.

Kapag nagkataon, aangat ang JRU dahil sa mas superior quotient habang magtutuos para sa karapatang kalabanin ang JRU para sa third spot ang Perpetual at St. Benilde kung saan papasok na third seed ang mananalo at fourth seed naman ang matatalo.

Ang mabibigo naman sa laban ng Altas at Blazers ay bababa sa fifth spot.

Inaasahan namang hindi na ipu-forfeit ng Cardinals ang kanilang huling laro dahil may sapat na silang manlalaro dahil puwede nang lumaro sina Exequiel Biteng, Justine Serrano, James Galoso at Andrew Estrella na nai-serve na ang dalawang larong suspensiyon na ipinataw sa kanila.

Matatandaang hindi na naman inilaro ng Cardinals ang nakaraang laban kontra JRU kasunod ng nauna na nilang na-forfeit na laro laban sa Letran dahil kulang pa umano sila sa players kahit tapos na ang suspensiyon nina Jerome Canaynay, Ronnel Villasenor at Darrel Magsigay na pawang may mga injury umano kaya hindi maaring samahan ang mga hindi nasuspindeng players na sina Jessie Saitanan, Jesson Cantos, at Joseph Eriobu.