HAGATNA, Guam (AP) – Nakaalerto at handa na ang mga residente sa Guam sa namataang paparating na bagyo, na inaasahang mananalasa sa Mariana Islands.

Dala ang lakas ng hanging aabot sa 80 mph, ang bagyong ‘Vongfong’ ay namataan 350 milya silangan-timog-silangan ng Guam.

Kaugnay nito, kanselado ngayong Lunes ang mga klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Inaasahan din ang pagtama ng bagyo sa Rota, Tinian, at Saipan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20