Paano nalusutan ang awtoridad ng 1,440 kahon ng mga pekeng “Magic Sarap” seasoning granules, pabango at iba pang apparel sa Maynila?

iimbestigahan ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BoC) ang may-ari ng walong bodega sa Baracca at La Torre Street sa Binondo at Rivera St., sa Tondo na roon itinago ang mga kontrabando.

Sinalakay ng mga ahente ng BoC, National Bureau of Investigation (NBI), Intellectual Property Office (IPO) at Philippine National Police (PNP), ang mga bodega na roon nabawi ang P500 milyon halaga ng pekeng kalakal.

Kabilang din sa mga kontrabando na nasamsam sa mga bodega ay mga baterya at pabango na may iba’t ibang brand.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Tumanggi rin ang Customs authorities na pangalanan ang mga may-ari ng mga sinalakay na bodega bagamat ipinatawag na ang mga ito upang magpaliwanag.

Inaalam na rin ng BoC ang mga shipper ng smuggled items.

Ginamit ng BoC ang visitorial powers nito upang mapasok ang mga bodega at matunton ang mga kontrabando gamit ang Warrant of Seizure and Detention.