Jake Vargas

PUMIRMA ng exclusive contract si Jake Vargas sa GMA Network. Ginanap ang contract signing sa 17th floor Executive Lounge ng GMA Network Center nitong Oktubre 3.

Masaya si Jake at nagpasalamat sa magagandang proyektong ipinagkakatiwala ng Siyete sa kanya.

“Nagpapasalamat ako dahil sa blessing na dumating sa akin. Nandito pa rin ako sa GMA, so sobrang na-appreciate ko na hindi ako pinapabayaan ng network. Talagang tinututukan kami sa bawat ginagawa namin. Proud to be Kapuso ako kasi dito ako nag-start at dito na ako nasanay. Kumbaga dito ko na gustong tumanda,” sabi ng young actor.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Simula nang pumasok si Jake sa showbiz noong 2008, patuloy niyang ipinapamalas ang kanyang angking galing sa pag-arte sa iba’t ibang drama series at pelikula na ina-assign sa kanya.

Kasalukuyang napapanood si Jake sa light family drama series na Strawberry Lane at ganoon din sa Pepito Manaloto, Vampire Ang Daddy Ko, Sunday All Stars, at Walang Tulugan.

Samantala, masaya rin ang GMA Senior Vice President for Entertainment TV na si Lilybeth G. Rasonable sa patuloy na pagiging bahagi ni Jake sa grupo ng mga talented stars ng GMA Network.

“Nagagalak kami kasi homegrown si Jake, at maganda naman ang relasyon ng Network at saka ni Jake, so masaya na nandito pa rin siya sa atin. Ipagpapatuloy pa rin natin na i-hone siya sa drama, ‘tapos meron din siyang flair for comedy. Kung saan siya nag-i-excel susuportahan natin. Kapag meron pa tayong madiskubre na kaya niyang gawin, we will also develop that. Basta we’re committed to improve Jake, so that he reaches his full potential,” saad ng GMA-7 exec.