Iniulat ng Department of Labor and Employment (DoLE) noong Biyernes na dalawang Pilipinang nurse ang nakapasa sa German state exam for nursing at ngayon ay nagtatrabaho na sa mga ospital sa Germany.

Binanggit ang ulat mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), sinabi ni Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz na sina Krystel Anne B. Sumido at Eowyn C. Galvez ay kapwa pumasa sa Gesundheits-und Krankenpflegerin, na ginanap sa Frankfurt, Germany.

Ang Gesundheits-und Krankenpflegerin ay ang German counterpart ng local na Nurse Licensure Examination na ibinibigay ng Professional Regulation Commission (PRC).

Pinuri ni Baldoz ang test result na nagdagdag sa bilang ng mga Pinoy nurse sa ilalim ng Triple Win Project sa 27.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa ilalim ng Triple Win Project, nilagdaan noong nakaraang taon, magpapadala ang Pilipinas ng mga Pilipinong manggagawa sa kalusugan sa Germany para magtrabaho sa tatlong ospital sa Frankfurt at Tuebingen. - Samuel Medenilla