Nakabuwelta mula sa kanilang kabiguan sa third set ang National University (NU) upang biguin ang dating kampeon na University of Santo Tomas (UST), 25-21, 28-26, 26-28, 25-12, at makamit ang una nilang titulo sa UAAP girls volleyball sa Adamson University Gym.

Tinapos ng isang spike ni Jeninan Nierva ang kanilang panalo, bukod pa sa tinapyas ang dalawang taon sa kanilang pagiging runne-up.

“This is for the kids. We are just facilitating,” pahayag ni NU coach Babes Castillo.

Winalis ng Junior Lady Bulldogs ang kanilang best-of-3 finals series ng Junior Tigresses para makabawi sa natamong kabiguan sa nakaraang Season 76 finals.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sa boy’s stepladder semifinals, napatalsik naman ng Ateneo ang No. 2 seed NU, 25-20, 28-26, 27-25, para maitakda ang kanilang title duel ng thrice-to-beat University of the East (UE).

Samantala, nahirang na tournament MVP sa girls division si Faith Nisperos habang tumanggap din ng individual awards ang kanyang mga kakamping sina Nierva (Best Server), Rica Diolan (Best Setter) at Christine Magallanes (Best Libero).

Napili naman sina Eya Laure at Pauline Gaston ng UST bilang Best Attacker at Best Blocker, ayon sa pagkakasunod, habang napasakamay naman ni Mildred Dizon ng La Salle-Zobel ang award bilang Best Receiver. Ipinagkaloob naman kay Rachel Ann Fabro ng Far Eastern University (FEU) ang Rookie of the Year honors.