LJ Reyes

MASUWERTE si Paulo Avelino na cool mom ang ex-girlfriend niyang si LJ Reyes sa anak nilang si Aki.

Payag si LJ na ipakilala ni Paulo si Aki kay KC Concepcion! E, di ba ‘yung ibang mommy ayaw ipakilala ang anak sa girlfriend ng ex nila?

“Okay naman siguro ipakilala kung seryoso naman sila sa isa’t isa, okay naman siguro,” sabi ni LJ. “Kung long term naman ‘yung vision nila sa relationship nila, sige, pero kung short time lang, huwag naman kasi baka malito ‘yung bata.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

At boto si LJ kay KC kung siya ang magiging stepmom ni Aki.

“Ay, okay ako, turuan niya si Aki ng French, kasi ako Chinese lang kaya kong ituro, ha-ha-ha.

“Hindi ko personally kilala si KC, pero kilala naman siya ng lahat ng tao, so go, kung sila why not? Alam ko, she’s a very smart lady at alam kong maganda ang family values niya.”

Pabiro kong sabi kay LJ, hindi kaya niya nami-miss si Paulo dahil katabi niyang matulog ang kamukha nito?

“Ha-ha-ha, ganu’n ba ‘yun?”

Carbon copy kasi ni Paulo si Aki mula ulo hanggang paa, pati gupit ng buhok, pati katawan, ngipin at pagngiti. Ang pagkakaiba lang nila, madaldal ang bagets.

Walang problema kay LJ kung sakaling pagsamahin sila ni Paulo sa iisang project.

“Okay lang sa akin, kung maganda ang project, why not? Hindi naman ako maarte, saka trabaho ‘yun, sayang.”

Walang problema sa kanya ang bonding moments ni Paulo at ng anak nila.

“Ako kasi alam ko posisyon ko sa buhay, kaya okay lang ako, trabaho ‘yun, eh, saka civil naman kami ni Pau, nag-uusap kami ‘pag tungkol kay Aki,” sabi sa amin.

May trust fund ba si Paulo for Aki?

“Inaayos pa niya, ha-ha-ha. Meron naman ako, pero siyempre sa kanya rin.”

Walang boyfriend si LJ ngayon. “Wala, as in, paano ako magkakaroon, may Yagit project ako, nag-aaral pa ako (tinatapos ang kursong Economics) ‘tapos mommy pa ako, so saan ko pa isisingit? Saka wala pa sa loob ko, work muna at tapusin ko lang studies ko, lalo na ngayon, mag-i-air na ang Yagit sa October 13, kontrabida ang role ko.”

Bukod sa Yagit ay kasama rin si LJ sa The Janitor ng APT Films na distributed ng Star Cinema. Excited ang aktres na napasama siya sa magagaling na co-stars niya tulad nina Richard Gomez, Dennis Trillo, Alex Medina, Nicco Manalo, Sunshine Garcia, Ynez Veneracion at Derek Ramsay sa direksiyon ni Michael Tuviera.