Kaylayo pa ng 2016 presidential elections subalit heto na ang mga pulitiko na gigil na gigil sa ambisyong kumandidato sa panguluhan at makuha ang trono ng Malacañang. Talaga kayang political addicts ang mga Pinoy - pulitika sa almusal, pananghalian at hapunan at kung minsan o madalas, meryenda pa rin at midnight snack?

Batay sa survey results ng Pulse Asia, si Vice Pres. Jejomar Binay pa rin ang nangunguna sa score na 31%. Pangalawa si DILG Sec. Mar Roxas na nagtamo ng 13% at angatlo ang “Tigre ng Senado” na si Sen. Miriam Defensor-Santiago na nagkamit ng 11 porsiyento. Sa pagka-pangalawang pangulo, aba nangunguna ang anak ni Da King, si Sen. Grace Poe, na naka-score ng 31%; Sen. Chiz Escudero 19%; at Sen. Alan Peter Cayetano 9 porsiyento. May isang kolumnista ang nagsabi na kung ang magtatambal sa 2016 ay sina Bayani Fernando at Grace Poe, ito ay tatawaging Fernando-Poe.

Kilala ba ninyo sina Michael-Angelo, Pablo Picasso, Francisco de Goya, at Paul Gauguin. Kung hindi ninyo sila kilala, sila ang mga sikat na pintor sa mundo na ang mga obra ay milyun-milyong dolyar ang halaga. Ayon sa mga report, ang kanilang priceless artworks na nagkakahalaga ngayon ng multi-milyong dolyar, ay natamo at naipon noong panahon ng Marcos dictatorship na ang ipinambili diumano ay salapi ng bayan!

Ang mga obra ng nasabing mga dakilang pintor ay kabilang sa walong valuable paintings na ipinakukumpiska ng Sandiganbayan mula sa Marcos Family. Tinatanong ako ng kaibigang palabiro pero sarkastiko kung magkano na ang nabawi ng PCCG o ng alin mang ahensiya ng gobyerno mula sa Pamilya Marcos.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Hindi ko alam kung magkano na, pero ang pagkakaalam ko batay sa mga balita, ang nakulimbat daw ni Marcos ay baka abutin ng $10 bilyong dolyar. Ipinatuos ko kay Tata Berto kung magkano ang 10 bilyong dolyar sa piso, aba hindi raw niya kayang kuwentahin ito.