Kung sakaling maamendiyahan ang 1987 Constitution kung saan papayagang makatakbo uli ang isang incumbent chief executive, anim sa sampung Pinoy ang nagsabing kontra sila sa pagtakbo ni Pangulong Aquino para sa isa pang termino, ayon sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Ayon sa nationwide survey na isinagawa noong Setyembre 8 hanggang 15 na sinagutan ng 1,200 respondent, lumitaw na 62 porsiyento sa mga Pinoy ang hindi pabor sa pagtakbo ni Pangulong Aquino sa presidential race sa 2016.

Samantala, 38 porsiyento ay nagsabing pabor sila sa mga panukalang tumakbong muli si Aquino bagamat patapos na ang kanyang anim na taong termino sa 2016.

Ayon pa survey, ang mga kontra sa panukala na payagang tumakbo uli si PNoy ay sentimiyento ng mayorya sa socio-economic class A, B, C, D ,at E (61 hanggang 65 porsiyento) at mga geographic are ng National Capital Region, at natitirang bahagi ng Luzon at Mindanao (52 hanggang 71 porsiyento), at Visayas bilang exception (50 porsiyento na pabor versus 50 porsiyento na hindi pabor).

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Mas malinaw ang oposisyon sa panukala sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon kumpara sa Visayas at Mindanao (67 hanggang 71 porsiyento versus 50 hanggang 52 porsiyento), ayon pa sa survey.

Umabot sa 18 porsiyento ang hindi nakapagdesisyon sa isyu, dagdag ng Pulse Asia. - Ellalyn B. De Vera