ASIAD-2014-BASKETBALL

INCHEON- Pag-aagawan ngayon ng Asian champion Iran at host South Korea ang gold medal sa men's basketball makaraan ang contrasting semi-final wins nila sa 2014 Asian Games.

Napag-iwanan pa ang Iranians ng mahigit sa 8 puntos kontra sa Kazakhstan bago itinulak ang 80-78 win noong Miyerkules ng gabi sa Hwaseong sports complex gymnasium.

Nakipagsabayan ang underdog Kazakhs, umentra sa Last 4 mula sa backdoor, sa Iranians sa tatlong quarters at lumabas na makakakuha ng malaking upset nang isalansan ang eight-point lead sa kalagitnaan ng final quarter.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ngunit muling nagsanib-pwersa ang Iranians sa likuran nina Samad Bahrami, Mahdi Kamrani at Hamed Ehadadi upang dalhin sa mainit na kampanya ang koponan sa endgame.

Ang 9-0 run ang nagbigay sa Iranians upang kunin ang kalamangan, 78-77.

Mas kinakitaan ng maganda sa shooting ang Iranians mula sa field 0 50 percent kontra sa 41 percent ng Kazakhs, ngunit outrebounded sa offensive glass, 13-7.

Umiskor si Bahrami ng game-high 27 points mula sa 10-of-22 shooting sa floor habang nag-ambag si Ehadadi ng 13 ar Arman Zangeh Arman na mayroong 12 mula sa bench.

Nagtala naman si Kamrani, ang Iran's veteran playmaker, ng 7 points at 7 assists.

Naiposte namanng Koreans ang mas komportableng 71-63 win kontra sa Japan sa isa pang semi-final match sa Samsan World gymnasium.

Kinuha ng hosts ang kontrol sa third quarter at 'di na hinayaan pa ang kalamangan.

Apat na Koreans ang nagsalansanng double figures kung saan ay itinarak ni Lee Jonghyun ang 12 puntos sa kanyang 6-of-8 sa shooting. Nagdagdag si Yang Donggeun ng 11 habang sina Kim Sunhyung at Cho Sungmin ay tumipa ng tig-10 puntos.

Ikinasa ng Koreans ang shooting sa 53 percent mula sa field habang hinadlangan ang Japanese sa natatanging 24-of-61 sa shooting.

Sa labanan sa ikalimang pwesto, pinataob ng China ang Chinese-Taipei, 75-63.

Samantala, umalis na ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas, maliban kina Marc Pingris, June Mar Fajardo at coaching staff, pabalik sa Manila kahapon.

Tumapos ang koponan sa ikapitong posisyon, ang pinakamasamang performance ng bansa sa men's basketball sa kasaysayan ng Asian Games.