Iginiit ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos na hindi makatarungan ang pagkumpiska ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation, Office of the Solicitor General at Presidential Commission on Good Government (PCGG) sa mga mamahaling painting mula sa kanilang ancestral home sa San Juan City.

Ang mga painting ay bahagi ng mga koleksiyon ng kanilang ina na si dating Unang Ginang Imelda R. Marcos na ngayon ay kongresista ng Ilocos Norte.

Aniya, hindi pa niya nakakausap ang kanyang ina hinggil sa mga kinumpiskang painting.

Dahil dito, nag-aalala ang gobernadora sa kalusugan ng kanyang ina lalo pa’t nagpapagaling pa matapos maoperahan sa mata.

National

Grupong Manibela, muling magkakasa ng transport strike; sasabay sa National Rally for Peace?

Dismayado at nalulungkot ang gobernador sa biglaang pagsamsam sa mga naturang mamahalin at makasaysayan na painting kung saan walang kamalay-malay ang pamilya Marcos dahil abala ang una sa pagtulong sa mga sinalanta ng bagyo sa lalawigan.

Sa kabila nito, sinabi ni gobernador na ipinapaubaya na lamang nila sa kanilang mga abogado ang mga hakbanging hinggil sa usapin.