ARAW-ARAW nang napapanood ang reality show na I Do, mula Lunes hanggang Biyernes, sa pamamagitan ng daily mobisodes ng ABS-CBNmobile.

Tuwing alas dose ng tanghali ay naka-upload na ang daily mobisode para sa ABS-CBNmobile subscribers. Kaya hindi na lang sa TV tumututok ang viewers ng I Do tuwing Sabado at Linggo.

Araw-araw na magpapatuloy ang istorya ng couples at mas marami nang mapapanood na tanging sa mobisodes lang makikita. Maraming extended at ‘di pa nakikitang clips ng challenges ng couples ang kinagigiliwan ng kanilang loyal followers.

Ngayong linggo pag-uusapan ang tungkol sa wedding dreams. Magkano na nga ba ang kailangan para magpakasal ngayon? Anu-ano ang wedding plans ng couples? Si Kring balak daw magkaroon ng tatlong weddings?

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

At abangan din ang isang nakakatawang Tagalog time ni Jimmy at Kring. Papasa kaya si Jimmy kay Teacher Kring?

Ang mga interesadong manood sa unseen clips ng I Do ay kailangan lang bumili ng ABS-CBNmobile SIM at mag-load. Mapapanood na ang mobisode gamit ang compatible smartphone at mga device o sa iWant TV website,www.iwantv.com.ph, na puwedeng i-register ang ABS-CBNmobile number.