Bella Gamotea at Aaron Recuenco

Bakit tumataas ang krimen at maraming pulis ang nasasangkot dito?

Ito ang malaking katanungan ni United Nationalist Alliance (UNA) Interim Secretary General Atty. JV Bautista.

Sinabi ni Bautista na si Philippine National Police (PNP) Chief Director Genreal Alan LM Purisima ay produkto ng “padrino” habang abala ang kanyang superior na si Department of Interior Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na habulin si Vice President Jejomar Binay.

Bong Revilla, Jinggoy Estrada kumambiyo rin sa Adolescent Pregnancy Bill

Nalagay sa balag ng alanganin ang kampanya laban sa kriminalidad bunsod ng kinakaharap na mga kontrobersiya na kinasasangkutan ng PNP chief.

Ayon kay Bautista, malaki ang pagtaas ng antas ng krimen ilan dito ay kinasangkutan ng mga pulis dahil hindi mabuting ehemplo aniya ang hepe ng PNP.

“How can he set a good example in the police organization when he himself is deeply involved in irregularities? And add that to the fact that the DILG chief cannot effectively supervise the PNP because of his well-known indecisiveness and preoccupation with politicking,” dugtong nito.

Samantala, nagkaharap ang mga pro- at anti-Purisima rallyist na nagsagawa ng lightning protest sa EDSA gate ng Camp Crame kahapon.

Habang ang militanteng grupo ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ay nananawagan sa agad na pagbibitiw at pagkakakulong ni Purisima, idinepensa naman ito ng People’s Coalition for Peace (PCP) na may 10 miyembro ang nag-rally.

Subalit sa panayam ng Camp Crame reporters, inamin ng isang miyembro ng PCP na binayaran sila ng tig-P100 bilang “appearance fee”.

“One hundred pesos daw. Kulang pa nga ng pambili ng Bonamin,” ayon sa 50-anyos na si Virginia Nolasco, isa sa mga raliyista ng PCP.