ROCCO Nacino

Ni CATHERINE TORRES, trainee

SA pamumuno ng National Press Club of the Philippines (NPC) at Gurion Entertainment, Inc., ginanap na nitong Lunes sa SM Megamall Cinema 9 ang dinagsa ng mga manonood na premiere night ng Ibong Adarna, The Pinoy Adventure na pinagbibidahan nina Rocco Nacino bilang Prinsepe Sigasig, Joel Torre bilang Sultan Mabait, at Angel Aquino (Sultana Mabunyi, ang kabiyak ni Sultan Mabait). Ang gumanap naman sa Ibong Adarna ay ang Bb. Pilipinas 2012 candidate na si Karen Gallman.

“Huwag maging sakim, mahalin ang mga kapatid at magulang,” ayon sa vice-president ng NPC na si Benny Antiporda na nagbigay ng mensahe para sa mga dumalo sa premiere, at ito rin ang isa sa mahahalagang mensahe ng Ibong Adarna.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kinagiliwan,kinatuwaan, at kapupulutan ng aral ng bawat kabataan at matatanda ang naturang pelikula.

Sa masidhing kagustuhan ni Datu Maimbot (Leo Martinez) na maging sultan, tinangka niyang pumunta kay Bruha (Lilia Cuntapay) upang tupdin ang maitim nitong balak sa kanyang kapatid na si Sultan Mabait at makuha ang lahat ng kapangyarihan nito. Ngunit hindi siya nagwagi dahil ang nagtagumpay ang anak ng sultan na si Prinsepe Sigasig na mahuli ang Ibong Adarna, dahil na rin sa mabuting kalooban nito. Sa Lupang Himala niya natagpuan ang Ibong Adarna.

Ang Ibong Haribon ang nagdala sa kanila pabalik ng kanilang tribu na alaga ni Diwata Masuri (Pat Fernandez) para alayan ng tinig ng Ibong Adarna ang may sakit na ama ni Prinsepe Sigasig.

Malinaw na naipakita ni Direktor Jun Urbano na kabutihan at kasamaan ng bawat karakter, na taglay gin ang mga pangalang sumisimbolo sa kanilang ugali katulad ni Supsupayo (Benjie Paras) na sipsip at sunud-sunuran sa kanyang kamahalang may masamang balak sa kapatid. Si Diwata Masuri (Pat Fernadez) ay bihasa sa pagkikilatis sa kalooban ng bawat tao. Si Sultan Mabait na may adhikain sa kaunlaran at kapayapaan para sa lahat.

Samantala, pinasalamatan ng NPC ang ilang eskuwelahan na dumalo sa premiere night ng Ibong Adarna, tulad ng Yolok Rodriguez High School at ang principal nila na si Dr. Imelda Garcia, si Pasig Representative Roman Romulo, Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian, ang Mandaluyong City Council at si Vice-Mayor Edward Bartolome, House Speaker Feliciano Belmonte, si Makati Mayor Junjun Binay, San Miguel Corporation, ang PAGCOR, si Sec. Herminio Coloma.

Para mapalaganap ang mga kabutihang asal na itinuturo sa pamamagitan ng kuwento ng Ibong Adarna, inilunsad ng Department of Education ang school tours ng pelikula. Nagsimula na itong ipalabas sa mga sinehan simula kahapon.