Labinlimang estudyante at dalawang guro sa high school ang nalason sa kinaing cassava cake na niluto bilang bahagi ng kanilang experiment para sa kanilang Science Fair sa Batan, Aklan kahapon.
Ayon sa ulat, ang mga biktima ay nakaramdam ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at pagsusuka matapos na kumain ng cassava cake.
Isinugod ng ilang guro sa ospital ang mga biktima matapos sumama ang kanilang pakiramdam ilang minuto matapos kumain ng nilutong kakanin.
Sinabi ng school principal na tumangging binigyan umano ng assignment ang mga estudyante sa third year high school na magluto ng naturang kakanin.
Napili umano ng mga estudyante ang sangkap na tinatawag na “rima-rima” at “kayos” na parang gabi ang itsura na nakalalason kung hindi sapat ang paghugas at pagluto nito.
Sinabi pa ng principal na hindi sinunod ng mga mag-aaral ang instruction dahil hindi nila ipinaalam sa kanilang adviser ang mga sangkap na gagamitin at sa bahay ng isa sa kanilang kaklase niluto.
Sinagot ng naturang paaralan ang gastos sa pagpapagamot sa mga estudyante.