Tinangka umanong impluwensyahan ng sinibak na si Sandiganbayan Associate Justice Gregory Ong ang mga mahistrado ng Korte Suprema kaugnay sa kanyang kasong administratibo.

Sa 38-pahinang concurring opinion ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, sinabi nito na tinangka ni Ong na magpaikot ng liham na nagsasaad na handa siyang magretiro sakaling siya ay mapatawan ng suspensyon.

Ang liham ay ipinaabot sa ilang mahistrado ng Korte Suprema at hindi idinaan sa pormal na proseso, na ayon kay Leonen ay maituturing na influence peddling at maaaring maging panibagong batayan para sa kanyang pagkakasibak.

Binigyang diin pa ng mahistrado na mali ang pakikipag-ugnayan sa alinmang miyembro ng Korte habang ang kaso ay nakabinbin pa.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ipinaalala din ni Leonen na mas mataas ang inaasahan sa mga mahistrado ng Sandiganbayan gaya ni Ong dahil ang anti-graft court ang may eksklusibong hurisdiksyon na duminig at magpasya sa mga kaso ng katiwalian.