HONG KONG (AP)— Nagbigay ang mga pro-democracy protester sa Hong Kong ng deadline para sa sagutin ng gobyerno ang kanilang mga demand para sa reporma matapos ang isang magdamag pa ng paghaharang sa mga lansangan sa bagong pagpapakita ng civil disobedience.
Sa maikling pahayag ng Occupy Central civil disobedience movement itinakda nila ang Oktubre 1 bilang taning sa unpopular Chief Executive Leung Chun-ying ng lungsod na tugunan ang kanilang mga kahilingan para sa tunay na demokrasya at para sa kanyang pagbaba bilang lider ng Hong Kong.
Nakasaad ditto na iaanunsiyo nila ang panibagong plano para sa civil disobedience sa parehong araw.
Ang Miyerkules ay pista para National Day, aty maraminbg tao ang inaasahang dadagsa sa mga lansangan.
Sinabi ng gobyerno na kinakansela nito ang fireworks display na nakaplano para ipagdiwang ang National Day.