Robin-Padilla

KINAPANAYAM namin sa taping ng Talentadong Pinoy a TV5 Novaliches si Robin Padilla tungkol sa mainit na isyu sa kanyang pamangking si Daniel Padilla at Jasmin Curtis Smith na kasama niya sa pelikulang Bonifacio (entry sa 2014 Metro Manila Film Festival).

Natural na nagkakakuwentuhan at nagkukumustahan sila, at higit sa lahat ay gusto ni Robin na pamilya mg turingan nila, habang sino-shoot mg Bonifacio.

Agad pinalagan ni Robin ang tanong namin kung magka-love team ba sina Daniel at Jasmin sa pelikula nila.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

"Hindi sila magka-love team, Reggee, kasi kung gagawin namin 'yun, eh, di sa kanila na matutuon ang istorya at panonoorin ng tao, paano na ang kuwento ni Andres Bonifacio? Bawat isa sa kanila may koneksyon kay Andres Bonifacio, hindi sa kanilang dalawa."

Aniya pa, huwag na lang pansinin ang pag-aaway ng fans at hindi raw sila puwedeng diktahan ng fans.

"Kaya nga ako gumagawa ng makabuluhang pelikula, di sana gumawa na lang ako ng baduy na pelikula kung ganyan din lang. Kaya nga ako gumagawa ng Andres Bonifacio, inuubos ko 'yung perang kinikita ko para sa makabuluhang pelikula, para pagtanda-tanda nila (fans) maiintindihan nila 'yung ginagawa ng Tito Robin nila para sa kanila, dahil para sa kanila ito.

"Para 'pag sila ay umabot na sa punto na may mga anak na 'yung mga tagahanga na 'yan, sila na 'yung magsasabing, panoorinn'yona 'yung pelikula ni Robin Padilla kasi may matutunan na kayo d' yan.

"Ngayon, kung ipipilit ang kabaduyan, e, hindi ko magagawa, kung malalagay si Kathryn (Bernardo) sa pelikula, hindi rin sa puntong sila ni Daniel, eh, hindi na pag-uusapan si Andres Bonfacio. Kung ilalagay namin si Kathryn, may kinalaman pa rin kay Andres, hindi kaya may kinalaman kay Daniel," paliwanag ni Robin.

Pero inamin niya na may negosasyon ang manager niya na si Betchay Vidanes sa Star Magic para maisama si Kathryn sa pelikula.

Ang main concern ni Robin sa pagsasapelikula sa buhay ni Andres Bonifacio ay para lubos na maintindihan ng bagong henerasyon kung bakit siya naging Ama ng Katipunan. Nag-research siya hanggang sa Spain tungkol kay Andres Bonifacio para kumpleto ang detalye dahil patas ang kuwento roon kung paano nila nakilala ang Ama ng Katipunan.

Sa ganda ng project, marami ang producers na nag-invest sa pelikula.

"Dati 50% ang share ko bilang producer, eh, maraminang pumasok, kay a 10% na lang. Isipin mo, sa rami ng producers at kapag hindi nagustuhan ng isa sa producer ang eksena, uulitin lahat 'yun, kaya mantakin mo ang gastos at hirap namin," kuwento ng aktor.

All star cast daw ang Andres Bonifacio. Bukod kay Daniel, kasama rin si Jericho Rosales.

"No'nguna ilang sequences lang, ilang araw lang, eh, nabitin yata, hayun, nagpapadagdag pa. Masaya kasi kaming lahat sa set, masaya kasi ang ganda ng pagkakagawa," masayang kuwento ni Binoe.

Hindi pa kinumpleto ni Binoe ang listahan ng mga artistang kasama sa Andres Bonifacio pero pawang sikat daw at sa pagkakaalam namin ay pawang taga-Star Magic, na kinabibilangan nina Vina Morales, Jericho, Daniel, at more to follow pa.