Kinasuhan na sa Office of the Ombudsman ang Department of Public Works and Highways (DPWH) district engineer na pinahintulutan ang ilegal na pagbubungkal sa southbound lane ng C5 sa ilalim ng Bagong Ilog flyover noong Miyerkules.

Kasong grave abuse of authority, grave misconduct at gross ignorance of the law ang isinampa laban kay Engr. Roberto Nicolas.

Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino, walang permit ang ikinasang road reblocking na nag-umpisa noong Martes ng gabi. Paso na rin ang ipinakitang permit ng project site engineer ng Jagonbuild Construction at kinumpiska na ang lahat ng gamit ng contractor.

Iginiit ng MMDA na hindi nito pinahihintulutan ang road reblocking sa weekday dahil nagdudulot ito siksikang trapiko sa rush hour.
National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras