Sa halip na nitong Setyembre 23 ay sa Oktubre na lang sisimulan ng Commission on Elections (Comelec) ang voters registration para sa Sangguniang Kabataan (SK) elections sa ilang lugar sa bansa.

Nabatid na nagpasya ang Comelec na ipagpaliban ang pagrerehistro para sa SK elections sa mga lugar na matinding naapektuhan sa pananalasa ng bagyong ‘Mario’ noong Setyembre 19, tulad ng Obando sa Bulacan, Cainta sa Rizal, Ilocos Sur at Ilocos Norte.

Napag-alaman na sa Oktubre 2 isasagawa ang SK voters’ registration sa Obando, habang sa Setyembre 30 naman makapagpaparehistro ang kabataang botante ng Cainta, at Oktubre 6 sa Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Patuloy namang nananawagan ang Comelec sa kabataan na magparehistro para makaboto sa SK polls sa Pebrero 21, 2015.
Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador