Pabor ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na patawan ng parusang kamatayan, sa pamamagitan ng firing squad, ang mga tiwaling pulis na sangkot sa mga karumal-dumal na krimen.

“Para magkaroon ng takot o chilling effect sa mga police-scalawag,” pahayag ni Arsenio “Boy” Evangelista ng VACC sa panayam ng Balita.

Kasabay nito, iminungkahi ni Evangelista ang “top-to-bottom cleansing” sa Philippine National Police (PNP) nang makaladkad sa kontrobersiya si PNP Chief Alan Purisima sa umano’y mga anomalya at pagkakasangkot sa krimen ng mga pulis.

“We are here not to destroy but to save it!” ayon sa VACC.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Aniya, maaari ring simulan ang paglilinis sa PNP sa pagtuturo ng moral values at pag-alis sa latak sa kultura ng PNP na itinuturing na “kaaway” ang sumusuway sa utos masama ito.

“Dapat mayroong sibilyan sa lahat ng tanggapan ng PNP para magkaroon ng check and balance,” dugtong ni Evangelista.

Binanggit nito, base sa datos ng PNP, halos 10 porsiyento lamang ng abot sa 160,000 pulis sa bansa ang maituturing na “bugok.”