Dinakip si Charlotte Hornets forward Jeffery Taylor sa Michigan sa kasong domestic assault charges, ayon sa East Lansing Police.

Sinabi ng police department sa kanilang release noong Biyernes, kinasuhan nila ang 25-anyos na si Taylor ng isang count ng domestic assault, isang count ng assault at isang count ng malicious destruction ng property. Ang kanyang bond ay itinakda sa $5,000.

Hindi naman nagbigay ng anumang detalye si East Lansing Police Lieutenant Steve Gonzalez hinggil sa pagkakadakip kay Taylor nang sila’y kontakin ng The Associated Press.

Ayon sa release, rumesponde ang police officers sa isang insidente sa East Lansing Marriott sa University Place sa ganap na ala-1 ng medaling araw noong Biyernes.

57 kilos ng shabu na isinilid sa Chinese tea bags, nakumpiska sa pantalan sa Southern Leyte

Hindi batid ng Hornets ang nangyaring insidente sa pagkakasangkot ng third-year forward kung saan ay kumakalap pa sila ng impormasyon.

‘’This is a matter that we take very seriously,’’ ayon sa nakasaad sa release.

Si Taylor, mula sa Sweden, ay pinili sa second round noong 2012 NBA draft makaraang maglaro sa Vanderbilt.

Siya ang pinakabagong He is the latest professional athlete sa Charlotte na kinasuhan ng domestic abuse case.

Si Greg Hardy, ang defensive end para sa Carolina Panthers, ay na-convict noong Hulyo 15 hinggil sa pag-atake sa babae at communicating threats matapos na sabihin ng babae na siya’y itinulak sa kama na may baril at saka inihagis sa shower room.