NAPAULAT ang paghahain ng diborsiyo ang asawa ni Randy Jackson.

Ang 58-anyos na music producer ay kasal kay Erika Riker simula 1995.

Ngunit iniulat ng TMZ na tapos na ang kanilang halos dalawang dekadang pagsasama, dahil naghain na ng divorce si Erika dulot ng “irreconcilable differences” nila ni Randy.

May anak silang babae na adult na at 17-anyos naman ang kanilang anak na lalaking si Jordan.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Hinihiling ni Erika sa dating judge ng American Idol ang full physical at joint legal custody kay Jordan. Hangad din umano ni Erika ang mapagkalooban ng spousal support at pinababayaran din kay Randy ang kanyang attorney fees.

Ito ang magiging ikalawang pakikipagdiborsiyo ni Randy, na nadiborsiyo sa kanyang unang asawang si Elizabeth Jackson noong 1990. May anak na babae si Randy kay Elizabeth, si Taylor.

Isa si Randy sa orihinal na judges sa American Idol, na nagsimula noong 2002, bago niya nilisan ang panel noong nakaraang taon.

Nagpaliwanag noon si Randy kung bakit kailangan na niyang lisanin ang American Idol.

“Yo! Yo! Yo!” saad sa pahayag na inilabas noon ng kanyang publicist. “To put all of the speculation to rest, after 12 years of judging on American Idol I have decided to leave after this season. I am very proud of how we forever changed television and the music industry.

“It’s been a life changing opportunity but I am looking forward to focusing on my company Dream Merchant 21 and other business ventures.”

Kalaunan, inamin ni Randy na alam niyang tapos na ang panahon niya sa American Idol nang maramdaman niyang nananamlay na ang kanyang judging originality.

“Twelve seasons in as a judge — I did everything I could say and do,” sinabi ni Randy sa British magazine na Star. “It was time to do something else. I’m excited to step into a mentor role, as I get to work more hands-on with the kids.” - Cover Media