Marian-Rivera-copy

EXCITED ang loyal Kapampangan fans ni Marian Rivera dahil sa unang pagkakataon may Kapuso Fans Day ang kanilang idolo sa SM City Clark ngayong araw (Linggo, Setyembre 28), simula 6PM

Hahandugan ni Marian ang kanyang mga tagahanga ng isang gabing punumpuno ng kasiyahan sa pamamagitan ng exciting games at thrilling performances. Makakasama niya bilang event host si Boobay.

Ito ang 11th leg ng Kapuso Fans Day ni Marian ngayong taon matapos ang kanyang matagumpay na live shows sa Naga City, Baguio City, Dagupan City, Cebu City at Consolacion sa Cebu, Roxas City, Bacolod City, Davao City, General Santos City, at Daraga sa Albay.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Bilang Kapuso Adopt-a-Bangka Campaign Ambassadress naman ay bibigyan ni Marian ang kanyang mga tagahanga ng pagkakataong magmay-ari ng ilan sa kanyang mga paboritong damit sa pamamagitan ng auction na gaganapin sa Lewis Grand Hotel.

Matapos ang matagumpay na exhibit sa Cebu noong Agosto, sold out ang kanyang 30 most memorable dresses, muling nagbigay ng mga damit si Marian na ipapa-auction bilang bahagi pa rin ng Kapuso Adopt-a-Bangka Project. Ilan sa mga ito ay ang kanyang mga isinuot sa iba’t ibang TV guestings at regional promo tours.

“Muli po akong magpapa-auction ng ilang mahahalagang damit na bumubuo sa aking makulay na buhay. ‘Pinagdarasal ko na sana'y marami ang mga-participate upang higit nating matulungan ang mga kababayan natin sa Bantayan Island, Northern Cebu na isa sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Yolanda,” sabi ng aktres.

Makakasama ni Marian sa SM Pampanga ang AVP ng GMA Regional TV at Head for Integrated Marketing Services Division na si Oliver Amoroso, ang station manager ng GMA TV Central and Eastern Visayas (Cebu) na si Ann Marie Tan, at ang presidente ng Bantayan Island Association of Hotels, Resorts, Bars, and Restaurants Inc. na si Allan Monreal.

“This event marks the culmination of the Kapuso Adopt-A-Bangka Project. To date, we have built and rehabilitated bangkas as well as provided fishing implements to more than 300 families. We are at a loss for words on how grateful we are for Marian, who dedicated her time and effort as campaign ambassadress, and, for our partners and donors, who extended kindness and generosity for this project. It has been nothing but a fruitful journey so far and we’re looking forward to more partnerships with Marian soon,” pahayag ni Amoroso.

Samantala, nakiki-celebrate ang ilang Starstruck alumni sa Diyandi Festival ng Iligan City. Kahapon, nakisaya si Dion Ignacio sa Sayaw Saulog Street Dancing Showdown sa Anahaw Amphitheater. Ngayong araw, sina Yasmien Kurdi, Steven Silva, Vaness del Moral, at Mike Tan ang itatampok sa Kapuso Fiesta sa MSU-IIT Gym simula 6:00 PM.