Inaprubahan ng Sandiganbayan ang hiling na hospital arrest ni Senator Juan Ponce Enrile

Sa 16-pahinang resolusyon na pinirmahan nina Sandiganbayan 3rd Division Amparo Cabotaje-Tang at Associate Justices Samel Martirez at Alex Quiroz, nakasaad na mananatili sa Philippine National Police (PNP) General Hospital sa loob ng Camp Crame sa Quezon City si Enrile hangga’t hindi pa matiyak ng mga doktor na physically fit na ito.

Paliwanag ng anti-graft court, maaari lamang makapagpa-medical check up sa health facility sa labas ng PNP General Hospital ang 90-anyos na senador kung emergency ang kondisyon nito at kung hindi kaya ng ospital ang medical procedure na isasagawa sa kanya.

Pero, nilinaw ng korte na kailangang sagutin ni Enrile ang lahat ng gastos sa ospital. Rommel Tabbad
National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros