Napasakamay ni Mark Anthony Barriga ang split decision laban kay Syrian boxer Hussin Al Masri upang umusad sa susunod na round sa light flyweight (52kg) division sa boxing event ng 17th Asian Games sa Incheon, South Korea.

Nakapagtala ang London Olympian na si Barriga ng 30-27, 29-28 at 28-29 sa kanyang score card upang makatuntong ng Round of 16.

Dahil sa panalo, sinamahan ni Barriga ang mga kakamping sina Clark Bautista at Wilfredo Lopez na nauna nang umusad sa Round of 16.

Tinalo ng 19-anyos na si Bautista para sa kanyang unang Asiad campaign si Abdallah Maher Mohammad Shamon ng Jordan para makamit ang unanimous decisionsa kanilang laban sa flyweight division.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakapagtala si Bautista ng 29-26, 29-25 at 29-27 iskor sa tatlong rounds.

Nagposte naman ng majority decision si Lopez laban kay Aziz Achilov ng Turkmenistan sa middleweight (75kg) division makaraang magtala ng 29-28, 28-29 at 29-28 sa kanyang score card.

Hind naman naging kasing-palad nila ang kakamping si Dennis Galvan na nabigo sa kamay ni Chinzorig Baatarsukh ng Mongolia sa pamamagitan ng unanimous decision.

Nauna nang nakapasok sa Round of 16 ang mga kakampi nilang sina Charly Suarez at Mario Fernandez.