INCHEON, Korea— Ang pinakahuli sa warriors ng Pilipinas ay darating sa 17th Asian Games Athletes Village sa mga susunod na araw na kargado ng matitinding hangarin upang makapag-ambag ng gold medal na patuloy na wala pa sa team tally.

Tatlong entries sa soft tennis, sina Jhomar Arcilla, Joseph Arcilla at Noelle Conchita Zoleta, ay inaasahang darating ngayon bago ang pagsisimula ng kanilang torneo sa Lunes.

Inaasahan naman ang rugby team na kinabibilangan nina Justin Coveney, Gareth Leslie Holgate, Matthew Donato Saunders, Andrew James Wolff, Michael Laurence Letts, Alexander Vincent Aronson, Jake Gerald Letts, Kenneth Mitchell Stern, Oliver Joseph Saunders, Christopher Hitch, Bejamin Joshua at James Colin Price, karamihan ay Filipino-Australians, na darating bukas.

Target naman ng koponan na mas kilala sa Philippine Volcanoes na makakuha ng berth sa World Rugby Championships kung saan ay ‘di bababa sa ikatlong puwesto sa kanilang sports. Mayroon silang dalawang laro sa Miyerkules at Huwebes.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Darating din bukas ang taekwondo jins na magsisimula ang kanilang kampanya sa Miyerkules.

Palagiang tinitingala ang Pinoy jins bilang source ng medals para sa Pilipinas. Ang koponan ay dadalhin nina John Paul Lizardo, Francis Aaron Agojo, Christian Al dela Cruz, Kristopher Robert Uy, Samuel Thomas Harper Morrison, Pauline Louise Lopez, Jane Rafaelle Narra, Levita Ronna Ilao, Kirstie Elaine Alora, Nicole Abigail Cham at Mary Anjelay Pelaez.

Ang huli sa batch ay ang karatekas na darating sa Lunes.

Ang tropa ay pamumunuan nina Ramon Antonio Franco, Orencio James Virgil delos Santos, Gay Mabel Arevalo, Princess Diane Sicangco, Mae Soriano at Joanna Mae Ylanan.

Ang Pilipinas ay nagwagi ng 2 silver at 1 a bronze medal sa wushu.

Patuloy na sumasabak ay ang medal bets sa boxing, bowling, sailing, basketball, triathlon at rowing.