VATICAN CITY (AFP)— Sinibak ni Pope Francis noong Huwebes ang isang Paraguayan bishop na inakusahan ng pagpoprotekta at pagtataguyod sa isang pari na inilarawan ng kanyang dating mga church superior sa America na “a serious threat to young people”.

Sa isang pahayag, sinabi ng Vatican na ang pagtanggal kay Ciudad del Este Bishop Rogelio Livieres Plano ay isang “painful decision taken for serious pastoral reasons.”

Ang tinutukoy na pari ay ang Argentinian na si Carlos Urrotigoity na tinanggal sa kanyang parokya sa Pennsylvania noong 2002 kasunod ng asunto sibil sa diumano’y pang-aabuso sa kabataang lalaki.

Iniula na nagbayad ang Simbahan ng $400,000 para maayos ang kaso noong 2006 at nakabalik sa kanyang karera sa Simbahan si Urrotigoity. Lumipat siya sa Paraguay noong 2004 at nitong Pebrero ay pinangalanang vicar-general ni Livieres, na pinaniniwalaang kasapi ng konserbatibong sektang Opus Dei.
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race